Tuesday, March 10, 2009

Kabugan

Kabugan: Isang Pagsusuri

 

          Ang Kabugan ay isang presentasyon na inihandog ng Teatro Tomasino para sakanilang ikatatlumpo’t-isang kasagsagan. Ito ay naglalaman ng dalwang magkaiba’t maaiigsi na dulang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon at Anino. na nagmula kina Rj Leyran at Allan Lopez. Ang pamagat na Kabugan ay napili para sa partikular na rason na magkaiba ng director, manunulat at panauhin ng dalawang dula kahit nasa ilalim ito ng isang produksyon.

            Ang unang dulang pinamagatang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ay tungkol sa isang babae at isang lalaki na nagkakilala lamang sa isang zoo kung saan din nagbunga ang kanilang relasyon hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob ni Babae at hinihingi na nitong magpakasal sila. Dahil siguro hindi sila lubusang magkakilala, hindi gaano naniniwala si Babae sa mga kuwento ni Lalaki tungkol sa asawa nito. Siguro nga, masasabi din na dahil ang ibang kuwento ni Lalaki ay tila nga di kapani-paniwala tulad ng kuwento tungkol sa kapatid niyang si Lulubelle na nakagat dawn ng oso at tinubuan ng buhok sa katawan. Sa halip nito, patuloy pa din silang nagkikita, si Babae, isang taong nangungulila sa pagmamahal at si Lalaki, isa namang pilit na tinatakasan ang kanyang realidad ay nakahanap na temporariyong kaligtasan sa isa’t-isa. Pero sa kasamaang palad, dumating rin ang araw na nahuli na sila ng selosang asawa ni Lalaki, at pinatay sila nito sa pamamagitan ng  kanyang baril na magkasama sa kanilang tagpuan.

            Ang sumunod na kuwento ay ukol sa dalawang taong nagkasala at sa kadahilanang ito ay patuloy nila tong pinagbabayaran kahit wala na ang kanilang pinagsalaan. Ito ang istorya ni Luna at ni Maryo sa ikalawang dula na pinamagatang Anino. Si Luna ay isang relihiyosang babae na solitaryo nang naninirahan sa pangkasalukuyan pagkatapos ng mga pangyayaring kinasangkutan nila ni Maryo. Pinagtaksilan nila ang kanilang mga asawa, ang isa pa dito, ang asawa ni Luna, ay tatay ni Maryo. Ang kanilang kasalanan ay nagbunga ng mga mga pangit na insidente at karanan, kung kaya pinili na din ni Luna na manirahan sa malayo na lugar ng nagiisa kahit siya ay patuloy na ginugulo ng kanyang konsensiya. Ang Anino ay nakasentro sa mga pangyayaring makakapagpalinaw ng nakaraan kay Luna at ito patungo sa rebelasyon ni Maryo na siya talaga ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang Ama. Sa huli, and katuklasan ni Luna sa katotohanan ay maghahantong sa disisyon nitong bawiin ang buhay ni Maryo dahil sa kasalanan nito.

            Ang Teatrong Tomasino ay isa sa mga pinakapinagmamalaki ng Unibersidad dahil sa kanilang husay sa pag gawa ng mga produksiyon at sa pag arte, at oo, naniniwala ako dito. Isa sa mga pinakanagustuhan ko sa pagpapanuod ay ang kanilang teknikals tulad ng mga ilaw. Halatang-halata kasi na ito ay pinagisipan at pinaghandaan tulad na lang noong mga ginamit na ”black lights”. Maganda din ang kanilang mga tugtog na napili para sa mga eksena at talagang bagay na bagay ang mga ito. Maganda rin ang nagawa nila sa kasuutan ng mga aktor, mapanlikha at alam na mainam ang pagsisiyasat na ginawa upang bumagay ito sa istorya. Masasabi ko din ng may katapatan na mas nagustuhan ko ang pangalawang dula na Anino. Sa aking palagay, ito ay mas may kahulugan kaysa sa naunang dula. Mas maayos din ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena nito, wala gaanong butas, mas mabilis makita ang ibig nitong ipahiwatig.

Ngunit, siguro, kung sasabihin ko ang totoo, hanggang doon lang talaga ang ikinasaya ko. Hindi naman dahil hindi marunong umarte ang mga aktor, pero dahil siguro sa rason na kahit naipamahagi naman nila ang kanilang mga mensahe, hindi nila masyadong naisalaysay sa awdyens ng buong-buo kung saan sila ay dapat ”maki-relate” saaming mga manunuod. Sa kadahilanang iyon kaya din hindi masyadong natatawa ang awdyens sa mga pagpapatawa na ibinabahagi nila. Masasabi ko din na madami na akong napanuod na higit na nakakatuwa kaysa dito dahil kahit nadala nila ang kanilang mga karakter, hindi naman nila masyadong napukaw ang mga damdamin ng kanilang mga manunuod.

           

 - Paz, Samantha Nichol 3LM2

1 comment:

  1. Pansinin ang ilang gamit ng salita na tila hindi naangkop na gamitin. 93%

    ReplyDelete