Tuesday, March 10, 2009

Pocketbook : Pagsusuri

“In Love with a Playboy”

 

I. Sinopsis

 

            Ang maikling kuwento na ito ay tungkol sa dalawang tao na si Matilda Dineros at Luke Monteclaro na nagkakilala at nagkahulugan ng loob sa kakaibang sirkumstansya. Si Matilda any isang biente-dos años na dalaga na lumaki sa Batangas at kasalukuyang nagtratrabaho sa Monteclaro Beach Resort na pag-aari ng lola ni Luke bilang isang resepsiyonista. Si Luke naman ay biente-ocho años, laki sa ibang bansa, at kilala bilang isa sa mga pinakakahanga-hangang binata ng kanyang panahon dahil sa napakamatagumpay nitong advertising agency.

            Ang unang pagkikita nila ay tila di inaasahan ng dalawa, ngunit dahil sa isang komplikadong sitwasyon, napaglapit sila. Nagumpisa ito ng si Luke ay pumunta sa resort para lamang pagtaguan ang isang babae na nais siya pikutin. Sa pagpunta niya roon, nakaisip ito ng paraan kung papaano niya matatanggal ang interes ng babae na iyon – si Leslie Martel, isang modelo sa kanyang agency – sakaniya, at ito ay magpanggap na nagpakasal na siya. Dito pumasok si Matilda, o Mattie, na inirekomenda mismo ng lola ni Luke na si Doña Amalia para magpanggap na asawa ng kanyang apo.

Nag-alinlangan ng husto si Mattie noong una niyang nalaman ang ngunit pumayag na rin siya sa huli dahil naisip niya na makakatulong din sa kanyang pamilya ang isang daang libo na ibibigay nila sakaniya kada buwan bilang kompensasyon sa abala. Napagusapan nila na kailangan niyang manirahan sa bahay ni Luke sa Maynila ng mahigit kumulang dalawang buwan at hindi ito malaman dapat ng pamilya niya, sasabihin na lang nila na may kailangan itong asikasuhin sa Maynila na utos ni Doña Monteclaro.

Nang maayos na nila ang mga papeles ng peke nilang kasal ay tumuloy na sila ni Luke sa Maynila at doon ay tuloy-tuloy nang nagkahulugan ng loob kahit noong una ay ayaw pa nila itong aminin sa sarili. Nagkaroon man sila ng konting di pagkakaunawaan, sa huli ay naayos rin nila ito at patuloy na silang nagpakasal sa simbahan pagkatapos aminin ni Mattie sa kaniyang tatay ang buong pangyayari. Sa huli, nakuha rin ni Mattie ang prinsipe na matagal na niyang hinahanap ngunit hindi inaasahang makita.

 

II. Pagsusuri

            Ang aklat na ito ay tiyak kong masasabi na impormal, radikal at moderno. Una, ang estilo ng pagsusulat ay hindi tulad ng ginagamit para sa mga pormal na sulatin. Ang uri ng pagkuwento ay talagang isinulat sa pinakasimple nitong porma at tila ay parang kuwento lang ng isang taong nakakausap mo sa araw-araw. At kahit hindi naman gaanong seryoso ang tono na ginamit sa pagsusulat, hindi din naman ito bulgar. Pangalawa, masasabi ko na ito’y impormal dahil ang lengguwahe na gamit ay pinaghalong Tagalog at Ingles. Ang pagkukuwento ay pasalit-salit lamang ng gamit kahit pa sa uri ng kanilang pagsasalita o pagiisip.  Mapapansin din na may mga mali ito sa gramatika, siguro dahil ito sa kagustuhan ng awtor na gawing mas realistiko ang kanilang paguusap. Wala din masyadong gumamit ng tayutay o mga salawikain ang tagapaglikha, ang presentasyon talaga ng kuwento ay diretso lamang sa punto, prediktable, at mabilis intindihin di tulad ng mga nobelang mas malalalim at talagang kailangan ng lohikal o analitikal na pagiintindi.

 

III. Kongklusyon / Rekumendasyon

            Dahil ito ang una kong pagkakataon na makapagbasa ng aklat na may ganitong tema, hindi ko siya maikukumpara sa iba tulad ng sa kagandahan ng kanyang istorya o sa istilo ng pagsusulat ng mga ibang awtor ngunit siguro ay bibigyan ko siya ng 2 out of 5 stars. Ganyon pa man, siguro din ay mairerekumenda ko siya sa mga taong mahilig magbasa ng mga istorya tungkol sa pag-ibig dahil ito ay isang libro na nagpahihiwatig na ang pag-ibig ay hindi basta-basta mahahadlangan ng sirkumstansya, at nagbibigay ito ng magandang wakas sa istoryang talaga namang para sa mga tunay na romantiko sa puso.


- Paz, Samantha Nichol 3LM2 

1 comment: