“Maskara”
Ang mundo sa ating panahon ay talagang hindi na tulad ng dati kung saan simple lang ang halos lahat ng bagay. Sa ating pagtagal sa pananatili rito, tila nagiging mas komplikado na ang pamamaraan ng ating kabuhayan. Kung dati, mababaw lang ang inaabot para maging masaya, ngayon ay hindi na ganoon. Pero kahit nga naman sa lahat ng kaguluhan at kalungkutan na nararanasan, masasabi pa din na siguro na may likas nga talagang kabutihan ang mga tao dahil sa kakayanan nating tumawa, ngumiti, at makakita ng pagasa kahit sa pinakamadidilim na panahon. Sa kadahilanang ito, napili kong gamitin ang salitang ”maskara”.
Ayon sa isang ensiklopedya, ang ”maskara” ay nilikha ng isang artist na si Ely Santiago mula sa dalawang makaibang salita o portmanteau. Ito ay galing sa salitang ”mass” o masa na ang ibig sabihin ay malaking pulutong ng tao at sa EspaƱol na salitang ”cara” na ang ibig sabihin naman ay ”face” o mukha. Kung kaya pag ito ay pinagduktong, ang kahulugan ay maraming nakangiting mukha.
Ang mga maskarang ito ay kilala sa lungsod ng Bacolod kung saan may isang linggong katagal sila na pista para lamang dito taon-taon. Ayon sa kuwento, nagsimula ang ganitong klaseng selebrasyon noong taon ng 1980 kung saan nasa gitna ng matinding kalungkutan ang buong siyudad dahil sa sunod-sunod na trahedya na nangyayari.Dahil dito, naisip ng kanilang lokal na gobyerno, at iba pang mga artist at sibikong grupo na bumuo ng ”festival of smiles” para mabigyan naman ng tuwa ang mga tao. Pagkatapos ng unang selebrasyon na yoon nuong taon, gumawa ng deklarasyon ang mga tao ng Bacolod na kahit anong paglilitis o paghihirap pa man ang kanilang pagdadaanan, ang lungsod ng Bacolod ay laging mananatiling nakalutang at matagumpay.
Samakatwid, ang maskara, para saakin, ay isang temporariyong panligtas na, sa oras ng kahirapan ay puwede nating magamit para lamang siguro makakuha ng ilang sandali upang makahinga ng malalim bago natin harapin ang pagsubok. Ito ay matuturing isang ”saving grace”, na kahit anong lungkot pa ang pinagdaraanan natin, anong poot ang nararamdaman, sa likod ng isang maskara, kahit sa isang maikling saglit lamang, tayo ay nakangiti, masaya, at walang problema.
- Paz, Samanth Nichol 3LM2